MHO, nagsagawa ng blood donation drive

ni Ricarda Villar

Higit 100 pinta (pint) ng dugo ang nalikom ng Municipal Health Office (MHO) sa isinagawang Dugong Bayani Alay ko sa Bayan noong ika-21 ng Hunyo sa bagong munisipyo ng Los Baños.

Ayon kay Dr. Alvin Isidoro, tagapamahala ng MHO, mahigit 200 na residente ng Los Baños ang nagparehistro upang magbigay ng dugo ngunit nasa 108 lamang ang pumasa sa mga panuntunan para makapagbigay ng dugo. Karamihan sa nakibahagi ay mga nagsasanay sa Philippine National Police at mga miyembro ng iba’t-ibang samahan sa Los Baños.

Katulong ng MHO ang Philippine Blood Center, Alpha Phi Omega (Inc.) Philippines at Zeta Theta Alumni Association sa ginawang blood donation drive noong Hunyo 21. Naging malaki rin ang bahagi ng Los Baños Group, Kabalikat Civicom, JCI Los Baños, at Tanod Bayan Kontra Krimen (TaBaKK) sa naturang gawain. (Larawan mula sa Municipal Health Office).

Ipinaliwanag ni Dr. Isidoro na ang  blood donation drive ay isinasagawa tatlong beses sa isang taon. Ang nangyaring blood donation drive ay ang pangalawa sa taong ito. Ang pangatlo at huli ay isasagawa sa ikalawang linggo ng Oktubre. Ani Dr. Isidoro, sa buwan ng Hunyo ginanap ang pangalawang blood donation drive bilang bahagi ng selebrasyon ng World Blood Donor Day noong ika-14 ng Hunyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.