Proklamasyon ng nanalong LB mayor nakabinbin

(as of 12 pm, May 14, 2013)

Sa kasalukuyan ay pansamantalang nakabinbin ang proklamasyon ng nanalong mayor ng Los Baños na si Caesar Perez (AKBAYAN) bunsod ng pagtutol ng mga legal counsel ni incumbent Mayor Anthony Genuino (UNA).

Sa ginagawang pagbibilang ng mga boto sa bagong kapitolyo ng Los Baños, hiniling ng kampo ni Caesar Perez sa pamamagitan ng kanyang legal consel na si Atty. Jonas Javier na i-proklama na si Perez bilang nagwaging kandidato sa pagka-mayor sa Los  Baños. Subalit ang hakbang na ito ay tinutulan ng mga legal counsel ni Genuino sa kadahilanang hindi pa nasusunod lahat ng requirements ukol sa lowering of canvassing threshold. Nilinaw ng mga legal counsel ni Genuino na hindi sila tutol sa proklamasyon ng mga nanalo subalit nais nila na masiguro na masunod ang nasasaad sa batas.

Ipinaliwanag ni Atty. Javier na ang mga boto mula sa isang presinto sa Brgy. Bayog na hindi pa na-transmit dahil sa depektibong CF card ay hindi na makaka-apekto sa resulta ng eleksyon sa nibel ng mayor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *