LB Nutrition Office pararangalan ng PAN

ni Ricarda Villar

Sa pangatlong pagkakataon, kinilala ng Philippine Association of  Nutrition (PAN) ang Los Baños sa natatangi nitong pagsasagawa ng pabasa sa nutrisyon sa iba’t-ibang barangay. Paparangalan ang Los Baños ng PAN Outstanding Pabasa sa Nutrisyon Award sa ika-18 ng Hulyo sa pagtitipon ng mga miyembro ng PAN sa Marco Polo Hotel, Cebu City.

Ayon kay Dr.  Maria D. Cerezo, ang nutrition officer ng Los Baños, isang malaking karangalan para sa Los Baños at sa kanilang tanggapan ang pagkilala ng PAN.

Layon ng Los Baños Nutrition Office na higit na pag-igihan ang pagsasagawa ng mga proyektong pangkalusugan para muling makilala ng PAN sa susunod na taon at mapababa ang kaso ng malnutrisyon sa Los Baños. Hihiranging “Hall of Famer” ang mga munisipyo at lungsod na nakatanggap ng PAN Outstanding Pabasa sa Nutrisyon Award sa apat na magkakasunod na taon.

Ayon kay Dr. Cerezo, ang nutrition officer ng Los Baños mula 2009, ang taunang pagkilala ay iginagawad ng PAN sa mga munisipyo at lungsod na epektibong nakakapagsagawa ng mga gawain at proyektong pangkalusugan sa kani-kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *