ni Ma. Emily P. Alforja, KASAMA President
Nag-organisa ng pagsasanay sa vermiculture ang local na pamahalaan ng Los Baños na isinagawa ng Gender and Development Office at ng Department of Agriculture para sa mga miyembro ng Kapisanan ng mga Samahan ng Malinta (KASAMA) noong October 18 sa Brgy. Malinta.
Ang pagsasanay ay bahagi ng proyektong vermiculture kung saan tinuturuan ang mga kalahok sa tamang pag-aalaga ng mga bulateng African night crawlers at pag-ani ng vermicast na nagsisilbing organikong pataba.
Natutunan ng mga miyembro ng KASAMA ang pagpapabulok ng tira-tirang pagkain, iba’t-ibang klaseng gulay, tuyong dahon, suha ng saging, at dumi ng baka o kalabaw bilang bahagi ng proseso ng paggawa ng vermicompost.
Ang vermicompost ay ginagamit bilang organikong pataba para sa mga pananim ng mga miyembro ng KASAMA at maaari ding mapagkuhanan ng karagdagang kita.