ni Lorelie M. Liwanag, Focal Person ng Los Baños Persons with Disabilities office at Lenie Bonapos, miyembro ng Los Baños Federation of Persons with Disabilities
Nagkaroon ng libreng pagsasanay sa paggawa ng supot sa bawat barangay ng Los Baños noong Pebrero 23, 24 at 26, sa pamumuno ng Public Employment Service Office (PESO) ng munisipyo. Layon ng pagsasanay na bigyan ng hanapbuhay ang persons with disabilities (PWDs) na kasalukuyang walang trabaho.
Bukod sa supot, tinalakay rin ang paggawa ng kahon para sa kandila, sabon, at pagkain. Ang lahat ng dumalo sa pagsasanay ay nabigyan ng starter kit para sa pagsisimula ng negosyo.
Hinati-hati ang mga barangay sa iba’t-ibang araw upang mapagtuunuan ng pansin at oras ang pagsasanay. Nagsimula noong Pebrero 23 ang aktibidad sa anim na barangay ng Anos, Bayog, Batong Malake, Maahas, Mayondon, at San Antonio. Sa huling araw, Pebrero 26, naman naganap ang pgasasanay sa mga barangay ng Bagong Silang at Putho-Tuntungin.