ALAS, naglabas ng opisyal na pahayag ukol sa Lopez Ave road widening project

Mula sa dokumentong nakalap nina Elisha Padilla at Jason del Rosario

[PRESS RELEASE]

ASSOCIATION OF LOPEZ AVENUE STAKEHOLDERS (ALAS)

10624 Lopez Avenue, Los Baños, Laguna

[email protected]

(0995) 206 4359

PAHAYAG NG PAGKAKAISA SA PAGTUTOL SA ROAD WIDENING NG LOPEZ AVENUE

 

Ang buong kasapian ng Association of Lopez Avenue Stakeholders (ALAS), ay naniniwala at naninindigan na:

  • TAYO ay BAHAGI, KATUWAN at SIGNIPIKANTENG NAG-AAMBAG sa PATULOY na PAG-UNLAD ng ating pamayanan.
  • KAILANGAN at NARARAPAT ang PATULOY, SUSTAINABLE at TUNAY na KAUNLARAN.
  • Ang TUNAY na KAUNLARAN AY MAG-AANGAT sa ANTAS at KALIDAD ng PAMUMUHAY ng LAHAT ng MAMAMAYAN ng pamayanan.
  • Ang TUNAY na PROYEKTONG PANG-KAUNLARAN ay dumadaan sa transparent, sapat, masinsin at siyentipikong pag-aaral.
  • WASTO at MAKABULUHAN ang ipatutupad na proyekto at/o programang pang-kaunlaran kung ito ay dumaan sa wastong proseso kabilang ang komprehensibong pagpaplano at paghahanda, malawakang pakikipag-ugnayan at konsultasyon sa LAHAT NG APEKTADONG SEKTOR.
  • Ang tunay na proyektong pang-kaunlaran ay HINDI MAGDUDULOT NG NEGATIBONG EPEKTO sa ekonomiya at kabuhayan ng lahat ng mamamayan, kalagayang panlipunan, LALO’T HIGIT sa KALIKASAN.

MARIING TINUTUTULAN ng ALAS ang proyektong Network Development – Widening of National Road – Tertiary Roads Makiling Park Road K0063+228 – K0064+000 na nais agarang ipatupad ng DPWH Laguna II District Engineering sa pamumuno ni District Engineer Joel F. Limpenco. Ito po ay isang kapritso lamang at arbitraryong plano na hindi magbibigay-solusyon sa suliranin ng pagsisikip ng trapiko.

  1. Ang 1.2 kilometrong haba ng Lopez Avenue ay patungo at palabas lamang ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, paananng Bundok Makiling at itinuturing na Forrest Reserve. Hindi ito nagdudugtong sa iba pang bayan ng lalawigan.
  2. Sa halip na maibsan ang pagsisikip ng trapiko, ang pagpapalapad ng daan ay magdudulot ng ibayong paglaki ng bilang ng mga sasakyan na magkakasya pa dito. Ito ay magreresulta sa lalong pagbilis ng ecological degredation at paglaki ng carbon foot print.
  3. Lubhang napakalaki ang bilang ng mga mamamayang kabilang sa iba’t ibang sektor – mga naghahanap-buhay, empleyedo, mag-aaral, naninirahan at dumadaan sa kahabaan nito ang nakararanas ng dislokasyon. Walang ginawa at ginagawang panlipunang paghahanda, pagsasaliksik at pagpaplano sa mga maaapektuhan ng proyektong ito.
  4. Hindi sumailalim sa isang transparent, siyentipiko, masinsin at sapat na pagsasaliksik ang proyektong ito. Ang tanging naibigay na datos ng DPWH ay ang Vehicular Volume Count na kanilang isinagawa noong Oktubre 21 hanggang 28, 2015 lamang. Kabilang sa mga nararapat na pag-aaral na naisagawa na ng DPWH subalit WALA ay:
    • Environmental Impact Assessment (EIA);
    • Social Impact Assessment (SIA);
    • Economic Impact Assessment, at iba pa
  5. Hindi nakipag-ugnayan sa mga mamamayang maaapektuhan, sa Pamahalaang Baranggay at Pamahalaang Bayan ang DPWH. Ang pailan-ilang liham na ipinadala sa iilang property owners ay may himig ng panankot o harassment at pinagmimistulang kriminal na diumano ay nagdudulot ng sagabal sa mga daan. Ang kunwaring konsulatsyong inilunsad ay para lamang ipabatid ang gagawing road widening at naglalayong apurahin at ipag-giitan, manakot at manglito gamit ang hindi makatuwiran at maling kahulugan ng Road Right of Way.

TUNAY, WASTO at MAKABULUHAN ang anumang programa o proyektong pang-kaunlaran ng alinmang ahensiya ng pamahalaan kung ito ay nagtatanggol at nagtataguyod ng KARAPATAAN PANTAO, KATARUNANG PANLIPUNAN at PANGANGALAGA SA KALIKASAN.

Hungkag at kontra-mamamayan ang Road Widening Project ng DPWH sa Lopez Avenue.

SAMA-SAMA NATIN ITONG TUTULAN!

Alas Manifesto by Los Baños Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.