Mga opisyal ng Los Baños, nanumpa sa katungkulan

ni Denise Rocamora

Ginanap kaninang umaga ang panunumpa sa katungkulan ng mga bago at muling nahalal na opisyal ng bayan sa Munisipyo ng Los Baños.

Nagsimula ang programa sa isang misa, saka sinundan ng aktwal na panunumpa ng mga opisyal.

Nanumpa sa katungkulan ang mga sumusunod na opisyal:

  • Mayor Caesar Perez
  • Vice-Mayor Procopio Alipon
  • Konsehal Norvin Tamisin
  • Konsehal Josephine Sumangil-Evangelista
  • Konsehal Benny Alborida
  • Konsehal Antonio Kalaw
  • Konsehal Jerico Ciceron
  • Konsehal Julius Moliñawe
  • Konsehal Ricardo Bagnes
  • Konsehal Jay Rolusta
P1060431 copy

Kasama ang kanilang mga pamilya, sama-samang nanumpa ang mga Konsehal ng Los Baños. Kuha ni Elisha Padilla.

Dumalo rin sa panunumpa ang iba pang mga kawani at organisasyon ng Los Baños, maging mga opisyal ng lalawigan tulad nina Governor Ramil Hernandez, Vice-Governor Atty. Karen Agapay, Congressman Joaquin Chipeco, Jr. at Board Member Ruth Mariano-Hernandez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.