Listong Bullilit ng MDRRM, ginanap sa Tadlac Elementary School

ni Sandra San Carlos

Ginanap ang Listong Bulilit, isang bagong programa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM), noong ika-23 ng Pebrero sa Tadlac Elementary School.

Ang programang ito ay iisa sa mga proyekto ng MDRRM para sa buwan ng Marso bilang parte ng kanilang Awareness Campaign para sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month. Ito ay naglalayong maturuan ang mga bata sa daycare center, at mga estudyante na nasa 1 hanggang 3 baitang, kung papaano maiiwasan at masusugpo ang nagsisimulang apoy.

Pagsasagawa ng bucket relay ng mga estudyante ng Tadlac Elementary School. Nanggaling mula sa MDRRM Facebook Group.

Ayon kay Arman Esteban, MDRRM Representative, madalas na tinuturuan ang mga estudyanteng nasa matataas na baitang kung kaya’t ngayon naman ay nais nilang matutukan ang mga bata.
Mas maganda na sa murang edad pa lamang ay aware na ang mga bata sa kanilang gagawin kung sakaling magkaroon ng apoy,”ani ni Esteban.

Ang MDRRM ay maglilibot sa ilang mga elementary school at daycare center sa buong Los Baños para sa Listong Bulilit. Ito ang schedule ng kanilang programa:

Marso 1- Lalakay Elementary School; Bambang Elementary School​​​

Marso 2- Malinta Elementary School; Maahas Elementary School​​​

Marso 5- Baybayin Daycare Center; Timugan Day Care Center​​​​

Marso 6- Maahas Day Care Center; Batong Malake Day Care Center​​​​

Marso 7- Tuntungin-Putho Elementary School ​​​​​​

Marso 8- Maahas CSAP Day Care Center; Day Care Center ​​​​​​

Marso 9- Lalakay Day Care Center; Mayondon Day Care Center ​​​​

Marso 12- Bambang Day Care Center; Malinta Day Care Center ​​​

Marso 13- San Antonio Elementary School; Tadlac Day Care Center ​

Marso 14- San Antonio Day Care Center Sitio Pag-asa at Barera ​​​​

Marso 15- Batong Malake Elementary School; Mayondon Elementary School​

Marso 16- Tuntungin- Putho Day Care Center                   ​​​​​

Marso 19- Anos Elementary School ​​

Marso 20- Timugan Elementary School (Central)

 

Ang Listong Bulilit ay inisiyatibo ni Mayor Cesar Perez na ipinapatupad ng MDRRM kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.