Los Baños Dugong Bayani: Blood Donation Drive, isasagawa

Ulat ni Alyanna Marie B. Lozada

Idaraos ang taunang Los Baños Blood Donation Drive na may temang “Los Baños Dugong Bayani” sa darating na ika-16 ng Pebrero 2019 sa Activity Area, New Municipal Building, Los Baños, Laguna mula 8 ng umaga hanggang 2 ng hapon.

Layunin ng proyektong mabigyan ng tulong ang mga kababayan sa kahit anong edad na nangangailangan ng dugo. Dagdag dito, layunin rin ng proyekto na mahikayat ang mga mamamayan ng Los Baños at ng iba pang mga karatig bayan na maipamalas ang kabayanihan sa pamamagitan ng pakikiisa sa Blood Donation Drive. Ang proyekto ay pinangungunahan ng Tanggapang Pangkalusugan ng Munisipalidad ng Los Baños.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook page: https://www.facebook.com/TanggapangPangkalusugan

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.