Ulat ni Jill Parreño
Isa sa mga serbisyong planong ilunsad ngayong taon ng Public Employment Service Office (PESO) ng Los Baños ay ang online job fair. Ayon kay Erick Paolo Dizon, ang Data Controller III ng PESO LB, ito ay nasa planning stage na.
“What we want is presentation of companies, [pero] on the spot, interview mga tao. And we are still trying to find a way on how to do that in a virtual setup,” sabi ni Dizon. “This year, my target is to have at least one virtual job fair.”
Katulad ng karamihan, naapektuhan din ng mahigpit na quarantine restrictions ang trabaho ng PESO. Kinakailangan paring pumasok sa opisina ang mga empleyado nila nang nakasuot ng face mask at face shield. May malaking harang na plastic na din sa opisina nila para sa social distancing.
“Iyon kasing work namin requires a lot of face-to-face communication,” sabi ni Dizon.
“Nakaka-miss din yung kapag umaga, napakadaming tao dito. Nakapila, gustong mag-apply ng trabaho. Ngayon, naka rely na kami sa aming PESO online services,” dagdag nito. “Effective naman talaga siya pero mas maganda pag nakakausap mo yung tao kasi part of the job description … part of my job is magbigay ng mga payo at mga career information sa kanila.”
Hindi na din nakakapunta ang PESO sa mga barangay para gumawa ng mga recruitment employment activities tulad nang dati.
Habang nakapagsimula na ulit ang PESO LB ng skills training noong Modified General Community Quarantine (MGCQ), natigil raw din ito noong bumalik sa ECQ ang Laguna. Pinagbabawal parin ang face-to-face na pagtitipon kahit sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine.
“Right now stop siya,” sabi ni Dizon. “Pero soon, magbubukas once maging GCQ na ulit ang Laguna.”
Tuloy pa din naman ang mga PESO online services na inilunsad ng opisina noong Nobyembre ng 2020. Makikita din ang mga parating na local recruitment activities sa opisyal na Facebook page nito, ang Peso Los Banos
Bilang tugon sa nararanasan nating pandemya at ang nais na bawasan ang face-to-face encounters, narito ang mga online…
Posted by Peso Los Banos on Tuesday, January 19, 2021
“Regardless of how complex the situation is, you have the Municipal Government of Los Banos and PESO’s full support, the situation we’re all dealing with will only likely have a lasting effect on the way we connect with each other and get things done going forward,” dagdag ni Dizon.
“So for those who are seeking employment, don’t hesitate to call us at PESO. You may check out our Facebook account, PESO Los Banos, for timely updates on employment opportunities.”