Aberya sa pagpasok ng balota sa VCM, naranasan sa mamatid, Cabuyao, Laguna

Ulat ni: Ruth Stephanie Quinto

Alas tres pa lang ng umaga ay mahaba na ang pila at patuloy ang pagdagsa ng mga botante dito sa polling center sa Mamatid Elementary School, Cabuyao, Laguna.

Naikwento ng mag-asawang sina Virginia at Alejandro ang kanilang naging problema sa balota sa Precinct 146. Ayon sa kanila, hindi raw nabasa ng machine ang kanilang balota dahil habang ipinapasok ito sa machine ay natutupi ito sa dulo. Sa makatuwid ay apat na beses silang magkakasunod na nagpasa ng balota.

Ayon kay Virginia, binasa naman daw ang balota noong nauna sa kanya, pero pag dating sa kanya ay natupi na lamang. Ganito rin daw ang nagyari sa botanteng sumunod sa kanya. Kaya naman pag dating sa asawa niyang si Alejandro, sinabihan na lamang sila ng mga BEI na ipagkatiwala sa kanila ang balota at sila na lamang ang magpapasok nito sa VCM.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.