Ulat ni: Tricia Angela E. Dizon
Maliban sa Pakil Central Elementary School at Cornelio C. Dalena Elementary School, ginamit sa unang pagkakataon ang Kabulusan National High School-Extension na presinto ng 1,549 na rehistradong botante ng Brgy. Tavera. Ang Brgy. Tavera ay isa sa may pinakamaraming botante sa Pakil, Laguna.
Ayon sa DepEd Supervising Officer na si Ma’am Shiela Porto, naninibago ang mga botante dahil sa hiwalay na ang voting center para sa Brgy Tavera kaya inaantabayanan ng mga Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Voting Assistance Desk ang mga botanteng maaaring maligaw.
9
Dahil sa nahiwalay na ang presinto ng mga taga-Brgy Tavera, naiwasan ang pagdagsa ng mga botante sa iisang voting center o eskuwelahan lamang