Botante dumagsa sa Los Baños Senior High School, isang CVM nagkaproblema

Ulat ni: Maryrose L. Alingasa

Bago pa man magsimula ang botohan ay may mga nakapila na sa Los Baños Senior High School (LBSHS) upang maagang makalahok sa 2022 National Elections.

Ayon sa Isolation Polling Place Support Staff ng LBSHS ay mula nang magsimula ang botohan, isa pa lamang ang naitalang lumampas sa normal body temperature.

Sa kabilang banda naman ay nagkakaproblema sa Vote Counting Machine (VMC) ang Precinct 47 ngunit ipinagpatuloy pa rin ang botohan. May mga botanteng nais hintayin na maayos at makita ang pagpasok ng kanilang balota sa VCM upang makita ang resibo ng kanilang boto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.