Botante sa Adelina Elementary School, San Pedro Laguna, dagsa pa rin

Ulat ni: Angel Kate C. Alag

Kinakailangang mag-temperature check muna ang mga botante bago pumasok sa Entrance o Gate ng Adelina Elementary School sa San Pedro, Laguna. Mayroon ding mga bantay na maaaring pagtanungan kung saan ang designated polling precinct ng bawat botante. Mayroon ding Priority Lane para sa mga Senior Citizen, PWD, at Buntis. May Voter Assistance Desk din kung saan maaaring magtanong ang mga botante. Makikita rin ang Isolation area at Waiting area para sa mga person with high temperature.

Makahapon ay dagsa pa rin ang mga tao kung kaya’t hindi na nasusunod ang social distancing. Bagamat dagsa ang mga botante ay hindi na masyadong mahaba ang pila kung ihahalintulad sa sitwasyon nito noong umaga.

Ngunit nagrereklamo ang ilang mga botante dahil umano sa pasira-sirang machine kaya natatagalan sila bumoto ngunit wala naming dapat ikabahala ang mga first time voter dahil mayroong mga taong gagabay sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.