Canvassing ng Boto ng NBOC Sinuspende Ngayong Araw

Ulat ni: James Alim

Sinuspende ng National Board of Canvassers (NBOC) ang canvassing ng boto ngayong araw bandang alas singko kaninang hapon. Sa isang press conference, inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpapatuloy ang canvassing ng boto ganap na ala-1 bukas ng hapon.

Ayon kay Commissioner Aimee Torrefranca-Neri, nagdeklara ng “early suspension” ng canvassing ng boto dahil hindi pa naman makakapagtransmit ang mga vote counting machines (VCMs) at ang mga report mula sa mga VCMs ay dadaan pa sa Municipal Board of Canvassers (MBOC) at Provincial Board of Canvassers (PBOC).

Nilinaw ni Comelec Director John Rex Laudiangco na ito ay hindi postponement, kundi suspension of proceedings lang o declaration ng recess. Dagdag pa niya, mananatiling may quorum ang NBOC at walang adjournment na nangyari at magreresume ang canvassing ng boto bukas ng hapon.

Additional Information:
Ang National Board of Canvassers ang opisyal na naatasang mag-canvass ng resulta ng eleksyon para sa mga senador at party lists. Nabanggit ni Commissioner George Garcia na maaaring maproklama na ang mga nanalong mga senador sa Mayo 15-16.

Samantala, ang Kongreso naman ang nakatalaga na mag-canvass sa resulta ng eleksyon para sa presidente at bise presidente, at nakatakda nilang gawin ito sa Mayo 23.

Context:
Noong 2019 Midterm Poll/Senatorial at Local Elections, nagconvene ang NBOC bandang 2:15 ng hapon araw ng Halalan, nagdeklara rin ng recess ang NBOC. Panandaliang nagkaroon ng recess bandang alas 3:00 ng hapon para sa pagprint ng audit logs. Nagkaroon ng ikalawang recess bandang alas 7:00 ng gabi. At sinuspinde ang sesyon ng bandang 9:23 ng gabi, na nagresume bandang 11:50 ng umaga kinabukasan.

References
COMELEC Press Conference https://www.facebook.com/watch/live/?ref=watch_permalink&v=2150289441788646

Comelec, sitting as NBOC, suspends canvassing, to resume Tuesday afternoon
https://newsinfo.inquirer.net/…/comelec-sitting-as-nboc…

Why Congress needs to canvass votes for president, VP
https://www.rappler.com/…/133543-congress-canvassing…/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.