DPOS at mga Pulis, naghanda sa pagdating ng mga election supplies at paraphernalias sa Quezon City Hall

Ulat ni: Christian Dave Caraggayan
Mahigpit ang seguridad sa loob ng Quezon City Hall dahil anumang oras ay inaasahan ang pagdating ng mga election paraphernalias, gaya ng mga balota sa Quezon City Hall mula sa iba’t ibang voting precincts sa Lungsod.
Pinangunahan ng Department of Public Order and Safety o DPOS ang pag-iinspek ng mga sasakyan bago umalis para maihatid ang mga balota mula sa mga paaralan patungo sa City Hall.
Ayon sa isang DPOS Officer, makakarating ang mga ito sa pagitan ng alas nueve o alas dyes ng gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.