Health protocols, hindi na nasusunod sa Brgy. Tuntunging-Putho, Los Baños

Ulat ni: Danica Salcedo

Mga bandang alas-diyes ng umaga ay hindi nasusunod ng mga botante ang mga health protocol sa Paciano Rizal Elementary School sa Brgy. Tuntungin-Putho, Los Baños, Laguna.

Mahaba rin ang naging pila ng mga botante na nag-aantay sa presinto. Umaabot na hanggang sa labas ng paaralan ang pila ng mga botante, at hindi na nasusunod ng mga tao ang social distancing at iba pang health protocol.

Ayon kay Restel Caraan, isa sa mga first-time voter, hindi na naoobserbahan ang temperature checking at pag-aalcohol ng mga botante dahil sa haba ng pila.

Wala na ring naoobserbahan na barangay health officer sa isolation area ng presinto, ngunit may mga botante na nakaupo rito upang magpahinga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.