Ilang residente ng Bayog, Los Baños, hindi nakaboto

Ulat ni: Vera Sudaprasert

Limang residente mula sa Barangay Bayog ang hindi nakaboto dahil umano hindi sila nakarehistro sa COMELEC.
Kanina ay binigyan ang lahat ng mga botante ng stub kung saan nakasulat ang kanilang precinct number. May nakaatas din na mga guides na tumutulong sa pagdirekta sa mga botante sa naitalaga na classroom. Ngunit pagdating sa kanilang presinto ay wala ang kanilang pangalan at litrato sa mismong listahan na ibinigay ng COMELEC.
9
Ni-report na ang isyu na ito sa mga staff ng COMELEC at ng Bayog Elementary School. Pinapunta na ang mga nasabing residenteng sa munisipyo ng Los Baños para agarang masolusyonan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.