Mga botante sa Ramon Elementary School sa canlubang, nagkalituhan sa sistema ng clustered precinct

Ulat ni: Alex dela Cruz

Ayon sa isang PPCRV poll watcher, nakatanggap sila ng ulat mula sa mga botante sa San Ramon Elementary School, Canlubang, Laguna na nagkaroon daw umano ng “reshuffling” sa mga presinto. Nagdulot ito ng kaunting kalituhan sa mga botante matapos marinig ang balitang ito.

Agad naman itong pinabulaanan ng Department of Education Supervising Officer, o DESO, na si Marivic R. Calderon. Ayon sa kanya, bawal mag-“reshuffle” ng mga presinto dahil nakahanda na para sa bawat botante ang mga balota dito. Aniya, kung nalito man ang mga botante ay dahil ito sa hindi kasanayan/di kaalaman sa sistema ng “clustered precinct”, o ang pagkakaroon ng apat na presinto sa isang silid, na nangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.