Pilahan ng mga Botante, Humahaba na sa Sta. Cruz Elementary School, San Pablo City

Ulat ni: Charlene Mae Arkaina
Humahaba na ang pila ng mga botante sa Sta. Cruz Elementary School sa San Pablo City. May nakalaan namang mga upuan sa basketball court ng paaralan, lalo na para sa mga PWDs, senior citizens at mga buntis, na pinapaupo sa unahan.
Mayroon hand sanitation at temperature check station upang masiguro ang kaligtasan ng mga botante. Sumusunod din ang mga tao sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pag sagawa ng social distancing.
Samantala, nakahanda na din ang isolated polling area kung sakaling may botanteng nagpapakita ng sintomas ng Covid-19.
Maaliwalas naman ang panahon at hindi pa mainit, kaya komportable ang mga botante kahit may kahabaan ang pila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.