Pilahan, umabot na sa 1 kilometro sa Brgy. Bayog, Los Baños

Ulat ni: Vera Sudaprase9

Patuloy ang pagpila ng mga residente ng Barangay Bayog, Los Baños, Laguna dito sa Bayog Elementary School. Alas-singko i-medya pa lamang ng umaga ay mahaba na ang pila, kaya’t sa kasalukuyan ay umabot na ito mga kalahating kilometro mula sa gate ng eskwelahan hanggang sa Barangay Hall, kung saan malapit ang Laguna De Bay.

Pagdating sa naturang eskwelahan, bibigyan ang botente ng stub kung saan isusulat niya ang kanyang precinct number. Gagabayan sila ng mga staff sa classroom kung saan sila naka-assign na cluster. Sa mga hindi pa nakakaalam ng kanilang presinto, may designated area ang mga botante para hanapin ang kanilang cluster number na malapit sa entrance ng eskwelahan. Sumusunod din sila sa mga binigay na health protocols gaya ng pagsusuot ng mask, pagche-check ng temperatura, pang-spray ng alcohol, at limitahan sa sampu ang mga tao na maaring pumasok sa presinto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.