Seguridad at Health Protocols, patuloy na ipinatutupad sa Sitio Manfil, Canlubang, Laguna

Ulat ni: Lynn Eugenio

Bandang alas sais pa lamang ay dinagsa na ng mga rehistradong botante ang Mababang Paaralan ng San Ramon sa Sitio Manfil, Canlubang, Laguna at masugid na naghintay para sa opisyal na pagbubukas ng botohan.

Kasabay ng patuloy na pagdating ng mga botante ay ang mahigpit na pagbabantay sa seguridad para sa ligtas at payapa na daloy ng pagboto. Patuloy din ang pagpapasunod sa mga health protocols at pagaantabay sa bawat precinct rooms.

Ayon sa ilang mga nakapanayam, ilang taon nang matiwasay at malinis ang daloy ng botohan sa naturang paaralan kung kaya’t sila ay nakasisiguro na ligtas ang kanilang mga boto sa anumang klase ng anumalya.

Samantala, bakas sa mga boluntaryo ang naghahalong pagod at saya, ngunit ayon sa kanila, kung para ito sa ikauunlad ng bansa, ang pagod ay hindi na inaalintana.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.