Welcome sa Bagong Los Baños – Mayor Ton Genuino

Ulat ni Samantha Gwyneth Bonsol

This is it. It’s official. Welcome sa Bagong Los Baños!”

Ayan ang pahayag ng bagong halalan na alkalde ng Los Baños na si Anthony “Ton” Genuino sa kanyang Facebook page matapos ang isinagawang turn-over ceremony ng mga incoming at outgoing na mga opisyal ng Municipal Government of Los Baños noong Hunyo 30. 

Ang “Bagong Los Baños” ang tema ng kanyang kampanya noong nakaraan halalan.

Nagbigay ng mensahe ang dating Mayor Antonio “Kuya Tony” Kalaw na ipinaskil sa Facebook page ng Municipal Government of Los Baños noong araw na iyon. Taos puso itong nagpasalamat sa mga taumbayan na nakasama niya sa paglilingkod sa publiko.

Ibinahagi naman ni Mayor Genuino sa isa sa vlogs na ipinaskil niya sa kanyang Facebook page ang ilan sa kanyang mga preparasyon sa pagbabalik sa kanyang trabaho bilang Mayor ng Los Baños kabilang na dito ang pakikipag pulong niya kay Mayor Kalaw.

“Para makapunta sa paroroonan mainam din lumingon sa ating pinanggalingan at magbigay pugay at respeto sa mga taong may karunungan na, tungkol sa panibagong landas na ating tatahakin pa lamang,” sabi niya. 

Dagdag pa nito, “Sa kanyang karanasan marami pa rin akong mapupulot na mga payo, at ako’y nagpapasalamat din sa kanya dahil sa mga payo niyang binigay sa akin ngayong nalalapit na ang aking panunungkulan dito sa ating Bayan.”

Plano rin daw niyang makipag pulong sa mga pinuno ng sektor ng edukasyon, komersyo, sining, at iba pa para ihain ang mga plano niya para sa Bagong Los Baños.

Litrato mula kay Vice Mayor Josephine Sumangil-Evangelista/Facebook.

Samantala, nagpasalamat naman si Vice Mayor Josephine “Baby” Sumangil-Evangelista sa kanyang Facebook page sa mga outgoing na mga opisyal ng Los Baños na nakasama niya noong una niyang termino. Pangalawang termino na ni Vice Mayor Evangelista ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.