‘E-hayag’ workshop isinagawa para sa San Antonio PWD

Ginanap ang ‘E-hayag: Audiovisual and Social Media Management Workshop’ para sa mga miyembro ng Brgy. San Antonio Persons With Disabilities (PWD) Association noong ika-27 ng Nobyembre, Linggo sa Barangay Hall ng Brgy. San Antonio.
Nagsilbing facilitators at resource persons ang mga estudyante ng DEVC 126: Participatory Development Journalism mula sa Kolehiyo ng Komunikasyong Pangkaunlaran, Unibersidad ng Pilipinas Los Baños.
Layunin ng nasabing workshop na mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga dumalo sa pagkuha ng mga larawan at bidyo na maaring magamit para sa pagbuo ng mga istorya mula at tungkol sa asosasyon at mga miyembro nito. Ang mga mabubuong storya ay ilalathala sa lbtimes.ph at sa mga kalakip nitong social media pages.