Ulat ni Mary Loida Jean Ramos
Nagbigay ng suporta ang iba’t ibang opisyal mula sa anim na bayan ng Laguna sa iminumungkahing Magna Carta of Young Farmers sa isang dayalogong pinangunahan ng SAKAbataan noong Abril 19, 2023. Kasama rin dito ang mga kabataang magsasakang miyembro ng Alliance of Laguna Farmers and Advocates.
Ang pangunahing mithiin ng local policy dialogue ay pagtibayin at patatagin ang ordinansa na bubuo ng Young Farmers’ Council na poprotekta sa karapatan ng mga kabataang magsasaka.
Ang SAKAbataan ay isang youth-led coalition na inilunsad kasama ang Center for Youth Advocacy and Networking (CYAN) at Center for Agrarian Reform, Empowerment, and Transformation (CARET) para sa pagsulong ng Magna Carta of Young Farmers. Layunin nitong makahikayat ng marami pang mga kabataan na pumasok sa agricultural sector at makabuo ng malawak na koalisyon mula sa iba’t ibang hanay ng mga kabataang magsasaka at engganyuhin sila makilahok sa mga lokal at nasyonal na paglika ng mga batas patungkol sa kanilang sektor.
Sa pagtatapos ng diyalogo ay sinuportahan ang pagbitbit ng polisiya na ito ng mga sumusunod na mga konsehal at kinatawan ng Committee on Agriculture at Field Agriculture Extension Services – Office of the Provincial Agriculturist:
Sta. Maria
Hon. Romualdo Manuel Aguja (Vice Committee Chairman on Agriculture)
Hon. Jeffry Ariola (Committee Member)
Magdalena
Hon. Ariel Ungco Jr. (Committee Chairman on Agriculture)
Lumban
Hon. Ireneo Baldovino (Committee Chairman on Agriculture)
Hon. Donnie De Venecia (SK Federation President)
Nagcarlan
Hon. Robert Tajaran (Committee Chairman on Agriculture)
Hon. Phil Collin Rafol (SK Federation President)
Sta. Cruz
Ms. Jireh Ranes (Secretary of Hon. Norman Tolentino)
Alaminos
Hon. Edgardo Briz (Committee Chairman on Agriculture)
Hon. Nicole Arida Pampolina (Vice Committee Chairman on Agriculture)
Hon. Karla Adajar-Lajara (3rd district- Board Member)
Hon. Katherine Agapay (Office of the Vice Governor)
Mr. Marlon Tobias (Provincial Agriculturist)
Para sa karagdagang impormasyon ay maaring bisitahin ang Facebook page ng SAKAbataan.
Ang mga litrato ay mula sa Facebook page ng SAKAbataan.