Ulat ni AJ Isla
Ang Bagong Bayani Rescue Volunteer (BBRV) Laguna Chapter ay nagsagawa ng libreng Responder’s Training-Seminar na ginanap noong Enero 13-14, 2024 sa Kabaritan Elementary School, Brgy Sto. Domingo sa Bay.
Ang nasabing programa ay isang inisyatibo ng BBRV Los Baños Team Leader Aristeo Jesus Isla at BBRV Laguna Chapter National Executive President Norberto Dadivas JR.
Ito ay isang pagsasanay sa mga taong gustong matuto ng basic life support, basic first aid, bandaging, splinting, at proper lifting and moving. Ang mga kalahok ay nagmula pa sa iba’t ibang bayan ng Laguna. Samantala, ang mga miyembro naman ng BBRV ay nagsagawa ng advanced training sa ropemanship at swift water rescue.
Ang programang ito ay parte ng kanilang disaster response community awareness initiatives upang makatulong sa mga nangangailangan sa oras ng sakuna.
Ang BBRV ay nagsasagawa ng training sa iba’t ibang lugar katulong ang Alliance Search and Rescue (ASAR) upang ibahagi ang mga kaalaman patungkol sa pagsasagip ng buhay.