Pinta para sa Kababaihan: Mural bilang Inspirasyon at Pagkilala para sa Buwan ng Kababaihan

Ulat ni Sharmaine De La Cruz

Ang mural na sumasalamin sa lakas at inspirasyon ng mga kababaihan sa lipunan. Kuha ni Sharmaine De La Cruz.

Bilang bahagi ng paggunita sa Buwan ng Kababaihan, isang makulay na mural ang ipininta sa pader ng Forward Cafe & Bar sa Los Baños, Laguna. Ang mural na ito ay may layuning magbigay-diin sa mahahalagang papel na ginagampanan ng kababaihan sa lipunan at magbigay ng lakas sa kanila sa pamamagitan ng sining.

Ang mural na ito ay sinusuportahan ng ilang organisasyon sa loob at labas ng UPLB tulad ng Umalohokan Inc., UPLB Development Communicators’ Society, at UPLB Delta Lambda Sigma Sorority.

Si Sadie Beltran, Publicity Head ng The Graphic Literature Guild, ang pangunahing artistang responsable sa ideya ng painting. 

Ang Kwento sa Likod ng Mural

Ang mural na may temang, “Women Keep the World Moving Forward”. Kuha ni Polo Quintana.

Ang konsepto ng mural ay nagmula sa temang “Women Keep the World Moving Forward,” na naglalarawan ng mahahalagang ambag ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan ng buhay. 

Ang mga mitolohikal na mga karakter tulad ni Maria Makiling at mga representasyon ng mga kababaihang moderno, tulad ng mga nars, guro, at magsasaka, ay ginagamit upang bigyang-diin ang iba’t ibang tungkulin ng mga kababaihan sa lipunan.

“Yung theme na naisip namin is just to highlight the importance of women in the world…and the color scheme associated with women’s month and womanhood.

(Ang tema na aming naiisip ay upang bigyang-diin ang kahalagahan ng mga kababaihan sa mundo… at ang kulay na kaugnay sa Buwan ng Kababaihan at kababaihan.)

I do think na mayroon din na nakuhang experiences as women in their own personal ways. Kumbaga, parang itong vision na ‘to is different ways of how women see themselves in each other in the world came together into visualties,” paglalahad ni Ed Nathaneal Jimenez, Guild Master ng The Graphic Literature Guild.

(Sa tingin ko, mayroon din silang mga karanasan bilang mga kababaihan sa kanilang sariling paraan, parang ang pagtingin na ito ay mga iba’t ibang paraan kung paano nakikita ng mga kababaihan ang kanilang sarili sa isa’t isa sa mundo na nagbuklod upang maging mga visual na konsepto.)

Ang bawat pigura sa naturang mural ay kumakatawan sa iba’t ibang aspekto ng kahalagahan ng pagiging babae, na sumisimbolo sa mga laban, tagumpay, at pangarap ng mga kababaihan sa buong kasaysayan. Ang mga makulay na kulay at detalye ng mural ay pagpapakita ng isang biswal na salaysay, na nagdiriwang sa mga tagumpay at hamon na hinaharap ng mga kababaihan.

Tampok ang isinagawang busking na pinamunuan ng Umalohokan, Inc. Kuha ni Shane Agarao.

“..[m]aganda rin na mas maging engaged kami sa community at heto nga makapag-contribute din dun sa pag-celebrate ng women’s month, yung mural painting…para in a way natututo rin from others,” paghayag ni Nicole Brosas, Noisemaker External ng UPLB Development Communicators’ Society.

(Mahalaga rin na maging aktibo kami sa komunidad at makibahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa pamamagitan ng mural painting…para sa ganitong paraan, natututo rin kami mula sa iba.)

Isa si Nicole sa mga tumulong sa mural. Kaya naman para sa kanya na mahilig sa sining magandang inisyatiba ito para maitampok ang mga kwento ng kababaihan at makilahok ang komunidad sa pahabi nito.

Ang mga Artista sa Likod ng Mural

Mga boluntaryo na nagpinta ng mural, ‘di alintana ang mainit na panahon. Kuha ni Polo Quintana.

“Actually there are 11 partner organizations. Aside sa amin ay mga student organizations din dito sa Los Banos,” pahayag ni Ed Jimenez, Guild Master ng The Graphic Literature Guild (GLG).

(Sa katunayan, may labing-isang partner na organisasyon. Bukod sa amin, mga organisasyon ng mga mag-aaral din dito sa Los Baños.)

Ang mga boluntaryo ay aktibong nakilahok sa paglikha ng mural dahil sa kanilang pagmamalasakit sa sosyal na aktibismo at sa hangaring magkaroon ng makabuluhang epekto sa pamamagitan ng sining. 

Nakita rin ng mga kalahok ang mural bilang isang pagkakataon upang palakasin ang boses ng mga kababaihan at itaguyod ang pantay na karapatan ng kasarian.

Ang pagpapamalas ng mural ay nangangailangan ng masusing pagpaplano, pagsasamahan, at dedikasyon. Malapit na nakipagtulungan ang Forward Cafe sa mga boluntaryo mula sa mga organisasyon ng mga mag-aaral, na bawat isa ay nag-aambag ng kanilang mga talento sa sining at pananaw upang mabuhay ang mural. Sa sama-sama, sila ay masinsing nag-sketch, nagpinta, at nagpabuti ng mural, na tiyakin na ang bawat detalye ay nakahuli ng esensya ng tema at ang mga kwento na nais nitong iparating.

“Ang pinaka-reason talaga namin kung bakit kami pumayag na makipag-partner ay yung kampanya na bitbit nitong activity nila or ng event kase bilang Umalohokan parte ng isinusulong namin sa organisasyon…ay yung maipatambol yung mga panawagan ng mga kababaihan…and also ano yung mga kikaharap nila, mas maitampok siya sa mas malawak na audience,” pahayag ni King Nalupa, Vice Chairperson for External Affairs ng Umalohokan.

Si Con Javier, isa sa mga nakibahagi sa pagbuo ng mural painting. Kuha ni Sharmaine De La Cruz.

“Ang gandang way para ma-empower yung women if makita nila sa environment na inempower sila. Like yung sa art, if makita ng kung sinomang babae na may art about them it feels so much empowering…

“Kahit one month lang siya pero ang laking bagay niya para sa mga kababaihan para ma-feel seen yung mga babae. Pero hindi lang naman dapat natin every March lang celebrated ang mga kababaihan kasi ang dami nating ambag sa lipunan. So every day ay dapat i-celebrate yung women pero malaking step na yung isang buong bwan na pagkilala sa mga babae,” ani Javier, Grand Archon ng UPLB Delta Lambda Sigma Sorority.

[DICLOSURE: Si Javier ay ang news editor ng LB Times component ng DEVC 136 C-1L, ang klase na siyang naglabas ng istoryang ito.]

“Yun pa rin yung gusto kong mangayri to look at men and women the same way. Ako ganun din yung pananaw ko talaga like with our forward ambassadors, our staff I believe kung ano yung kayang gawin ng staff namin na lalaki dapat kaya rin ng babae,” pahayag ni Hillary Allison owner ng Forward Cafe.

“The community has their advocacy na we want to give them the opportunity [to] say a word and take up space para mas mailabas yung advocacy itself. At the same time, since locally dito rin kami sa LB we would like for Forward and the community to be united,” dagdag na pahayag ni Thirdy Marasigan isa pang owner ng kapehan.

#adbokaSHEya #PandaigdigangBuwanNgKababaihan