Ulat ni: Ethan Alcid
Litrato mula sa: PAKISAMA Philippines
“Humigit kumulang sampung milyong mga pamilyang magsasaka ang tuwirang nagsasakripisyo para paunlarin ang mga kabuhayang [sila] ang nag poproduce ng pagkain, sila yung nag cucultivate ng kanilang mga lupang sinasakahan pero sila yung direktang nagugutom” ani ni Randy Cirio, presidente ng PAKISAMA, sa isang bidyo sa Gandingan page
Tatlong dekada nang nag seserbisyo ang Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka o PAKISAMA para sa pag papalaganap at pagpapalakas ng sektor ng agrikultura. Naitatag ang organisasyong ito noong 1986 matapos ang People Power Revolution bilang tugon sa mga hirap at problemang hinaharap ng mga magsasaka dulot ng pagkawala ng lupa, pang aabuso ng landowners, at pagsasamantala ng mga middleman.
Sa mga nagdaang taon, dumami ang mga magsasakang nais makasama sa kilos na sinimulan nila hanggang sa naging isang alyansa ito ng mga magsasakang sakop ng buong bansa.
Isa pa sa mga kalakasan ng PAKISAMA ay ang kanilang kakayahang makipag tulungan sa iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno, mga internasyonal na organisasyon at samahan, at mga Non Government Organizations (NGOs), para makatulong isulong ang kanilang adbokasiya.
Bukod pa rito, layunin rin ng PAKISAMA ang pagpapalaganap ng mga paraan ng pagsasakang nakabubuti sa kapaligiran at kalikasan. Kasama na dito ang mga organikong pagsasaka at ang pag engganyo ng paggamit sa mga alternatibong pataba at insecticide imbis na mga kemikal na nakakapinsala sa kapaligiran. Nagsasagawa sila ng ilang mga programa para maibahagi ang kanilang mga sinusulong na teknolohiya at mga gawi para sa mga magsasakang ka alayansa nila. Sa mga programang ito naisasanay at sinusuportahan ng organisasyon.
“Adbokasiya na ginagawa ng PAKISAMA ay upang maipakita sa sambayana na ang mga magsasaka po natin ay mga sektor na nangangailangan ng pagkalinga ng bawat pamilya magsasaka… ang amin pong layunin ay matugunan na maiangat ang kabuhayan at pangagnailangan ng ating pamilya magsasaka” ayon kay Cirio.
Sa likod ng tagumpay ng PAKISAMA bilang isang organisasyon ay ang mga kuwento ng mga magsasakang nagbago ang buhay sa pamamagitan ng kanilang mga interbensyon. Mula sa Luzon hanggang Mindanao, ibinabahagi ng mga magsasaka ang kanilang mga testimonya ng pagpapalakas—ng pagkakaroon ng access sa lupa, pagtanggap sa sustainable ways, at pagbuo ng matatag na mga pamayanan.
Ang kanilang diskarte ay nakatutok sa partisipatoryong pag-unlad, na nagtitiyak na ang mga magsasaka ay hindi lamang mga benepisyaryo kundi aktibong ahente ng pagbabago sa kanilang sariling karapatan.
Sa pagtatakda ng landas para sa hinaharap, nananatiling matibay ang organisasyon sa kanilang layuning ipagtanggol ang mga karapatan ng mga magsasaka at pag-unlad ng agrikultura.