Ulat ni Shane Baria
Inaanyayahan ang lahat na tunghayan ang 19th UP ComBroadSoc Gandingan Awards, kung saan kikilalanin ang mga local, national, at online media sa ika-26 ng Abril, ika-4 ng hapon sa D.L. Umali Hall, University of the Philippines Los Baños (UPLB).
Ang ticket ay maaaring bilhin online. Sagutan lamang ang google form sa pamamagitan ng link na ito: tinyurl.com/Gandingan2025Tickets
Kung nais ninyong bumili ng kanilang physical ticket, narito ang schedule para sa physical ticket selling:
- CDC Steps: April 21 – 25, 1 PM hanggang 5 PM
- D.L. Umali Lobby: April 26, 1 PM hanggang 4 PM
Ang malilikom mula sa ticket sales ay mapupunta sa isang public service activity para sa Liga Para sa mga Lolang Pilipina (LILA Pilipina), isang organisasyon ng mga comfort women noong World War II.
Sa temang “Tagahabi ng Kasaysayan Para sa Bayan,” paparangalan ang mga natatanging alagad ng midya na patuloy sa paghabi ng mga kwento ng nakaraan.
Masasaksihan rin dito ang pagbibigay-diin sa sining, kultura, at kasaysayan ng Pilipinas sa pagtatanghal ng Talahib People’s Music, Umalohokan, Inc., UPLB Street Jazz Dance Company, UPLB Filipiniana Dance Troupe, UPLB Talent Pool, at Music for the Environment and Nation Development (MEND).