40 botante nagpatingin na sa medic sa Gulod Elementary School, Cabuyao, Laguna

Ulat ni Carl Albert Dinopol

Mahigit 40 katao na ang nagpapakonsulta sa medic mula nang magbukas ang botohan sa Gulod Elementary School, Cabuyao, Laguna.
Karamihan sa mga nagpapakonsulta ay mga senior citizens na tumaas ang blood pressure dala ng mainit na panahon at matagal na pagpila.