Ulat nina Charlize Yesha M. Geneciran, Olga C. Lomboy, at Guiller Martirez,
Maagang nagbukas ang mga voting centers sa ilang eskwelahan sa Laguna para sa mga priority voters, kabilang ang mga senior citizens, PWDs, at mga buntis.
Brgy. Malinta, maagang nagbukas ng mga presinto para sa PWDs and Senior Citizens. Mayroong nakalaang priority polling place para sa kanila.
Ilang senior citizens sa Lamesa Elementary School, Calamba City, Laguna nahirapan sa paghahanap ng kanilang presinto. ilang presinto ay sarado pa rin kahit umpisa na ang botohan.
Ilang metro na agad ang pila ng botante sa labas ng eskwelahan ng Mamatid Elementary School bago mag-alas siyete ng umaga. Sa kabila nito, mabilis ang daloy ng pagboto ng mga regular voters. Bukod dito, naging maayos din ang dalaoy ng emergency accessible polling para sa mga senior citizens, PWDs, at buntis.
Pasado alas-siyete na nagbukas sa publiko ang mga voting precincts sa Sto. Niño – San Pedro Laguna kahit na alas-kwatro pa lamang ay dumating na ang mga election officers para sa mga early voting hours ng mga senior citizens, buntis, at PWDs.
Ayon kay Tessy Maraño, 50 years old, naging maayos at mabilis ang pagboto nila ngayon kumpara noong 2022.
Mahigit kumulang 180,000 ang inaasahang mga botante ang mga boboto ngayong araw sa iba’t-ibang bahagi ng San Pedro at isa lang ang Sto. Niño sa mahigit limampung paaralan sa San pedro.