Matapos ang buong araw ng pagboto, pormal nang nagsara ang lahat ng polling precinct sa buong Pilipinas. Sa kabila ng iba’t ibang hamon—mula sa init ng panahon, aberya sa ilang voting machines, hanggang sa mahabang pila—marami pa rin ang nagtiyagang bumoto upang maipahayag ang kanilang tinig ngayong halalan.
Ayon sa ilang botante, hindi naging madali ang proseso lalo na sa mga lugar na nakaranas ng aberya, ngunit hindi ito naging hadlang upang magpursige sila hanggang makaboto. Patuloy namang nakaantabay ang mga volunteers at election poll watchers sa mga presinto hanggang sa opisyal na simula ng bilangan.
Bagamat puno ng hamon ang araw na ito, nanatili ang sidhi at determinasyon ng pagbabantay sa ating halalan para sa bawat Pilipino.