Ulat ni Alexis Pansoy
Tatlong presinto sa San Lucas 1 Elementary School sa San Pablo City ang nagkaroon ng problema sa Automatic Counting Machines (ACM) ngayong mga 8:00 AM. Isa dito ang nakaranas ng ilang beses na error na nagdulot ng mabagal na daloy ng pagboto. Ayon sa isang senior citizen sa presinto, nakakabahala ito dahil maaaring maging sanhi ito ng dayaan, dahil bawal lumapit ang mga botante sa mga ACM at mga guro lamang ang maaring tumugon dito. May mga nakaantabay ring poll watchers upang bantayan ang mga aberya.