UPDATE: Brgy. Batong Malake, 9:00 AM

Ulat ni Olga C. Lomboy

Mula presinto hanggang gate ng Lopez Elementary School ang pila sa Precinct Clusters, 58, 59, at 60. Dagdag pa sa dami ng tao ang mga poll watcher na nakabantay sa pasukan ng presinto.

Para maisaayos ang pila, particular sa Cluster 60, nagtalaga na ng dalawang linya at ng proseso sa merging ng mga ito pagdating sa verification counter.