Ulat ni Camille Jade Ramos
Inabangan ng mga vendor sa paligid ng San Ramon Elementary School ang dami ng tao ngayong araw ng eleksyon. May tatlong stalls sa loob ng polling area at higit sampu sa labas. Ayon sa kanila, hindi nila araw-araw itong hanapbuhay, pero nagbukas ang eleksyon ng pagkakataon para sila ay kumita. Ang ilan sa kanila ay hindi pa nakakaboto dahil abala sa pagtitinda.