Ulat ni Sofia Gabrielle Reyes
“Kids are the most precious and fragile things in the world. Diyan tayo lahat nagsisimula. Diyan natin nararamdaman at nakikita kung paano at ano nga ba ang pagmamahal at maalagaan. Knowing at the end of the day, we were able to make a kid smile, not just one but a bunch of them.”
Ito ang pahayag ni Angela Romarate, co-head ng Artsaya Maglaro, isang aktibidad na pinangunahan ng Circle K International (CKI) of UPLB noong Abril 26, 2025 sa Student Union Building ng University of the Philippines Los Baños (UPLB).
Isang araw ng halakhakan, likhang-sining, at pangarap ang inilaan para sa dalawampung batang may edad 6 hanggang 12 mula sa Barangay Batong Malake. Layunin ng aktibidad na pahalagahan ang kultura ng pakikipagkapwa sa pamamagitan ng Filipino games at ang epekto nito sa kaunlaran ng isang bata.
Isa ito sa mga paraan upang patuloy na mahasa ang abilidad ng mga bata habang hinihintay ang muling pagbabalik eskwela sa darating na Hunyo.

Ang pangarap ng isa sa mga bata; makatungtong sa entablado kasama ang kaniyang Nanay para sabitan siya ng medalya. (Sofia Reyes/LB Times)
Laro, sining, at pagbibigay
Sa pamamagitan ng mga larong tulad ng Jump Left, Jump Right, Ikot Ikot, Bring Me with a Twist, Pabitin, at Cups Relay ay sama-samang nalinang ang pisikal, mental, at sosyal na kalusugan ng mga bata.
“Sobrang saya makita na pati ‘yung resident members ay nag-eenjoy along with the kids. Talagang in CKI, we’re not just helping the children, but we’re also healing something within us,” saad ni Alena Hualda, isang miyembro ng CKI.
Nagkaroon naman ng segment kung saan binigyan ang mga kalahok ng isang maliit na canvas at paint upang ipinta ang kanilang mga pangarap. Isa itong mahalagang ehersisyo para sa paglinang ng kanilang kalusugang pang-emosyonal at pangkaisipan.
Namahagi rin ang CKI ng mga regalo katulad ng art materials, children’s book, at meryenda para sa mga bata.

Ang pagtatali ng isang volunteer sa sintas ng bata, CKI Artsaya Maglaro 2025. (Sofia Reyes/LB Times)
Sa likod ng eksena
“All of the efforts na ibinigay ng bawat isa ay nag-culminate with everyone having a genuine smile. This reflects also the tenets of Service, kung saan we are able to provide a contribution sa ating community, most especially sa mga bata. Masayang magbigay saya sa ibang tao,” pahayag ni Enmart Alvarez, Vice President for External Affairs ng CKI.
Katuwang ang Red Cross Youth of UPLB, tiniyak ng mga volunteers ang maayos na daloy ng programa at kaligtasan ng mga batang lumahok. Naka-antabay ang RCY kung sakaling mayroong masugatan sa paglalaro.
“It’s both a responsibility and a fulfillment, where I can display na may ma-iimpart ako somehow sa community natin. Kung naging exposed ka na kasi sa mga issues, mas lumalago ‘yung kagustuhan mong maging parte ng isang advocacy,” dadgdag niya.
Malikhain at masayang hinaharap
“‘Yung tunay na success, it’s not just about the event itself, it wasn’t just about the people who were part of it, but most especially the genuine happiness and smiles of the kids all throughout the event. To serve the kids is not a task nor an obligation, it’s with one’s own willingness and purpose to do,” wika rin ni Romarate.
Inasahan ng CKI na ang Artsaya Maglaro 2025 ay nagbigay daan sa mga bata para hindi lamang maglaro, kundi maging masaya, matuto, at maalala ang kanilang kultura.