Community Page

This section of the Los Baños Times publishes announcements/notices from the Los Baños community as part of its public service.

Statutory Declaration (Sonia Maristela of Brgy. Batong Malake)

One thought on “Community Page

  1. KAUNA-UNAHANG COLLAPSE STRUCTURE SEARCH AND RESCUE TRAINING SA PROBINSYA NG LAGUNA

    Mula sa inisyatibo ng butuhing ama ng bayan ng Los Baῆos na si Mayor Caesar P. Perez, Ginanap ang kauna-unahang Collapse Structure Search and Rescue Training sa probinsya ng Laguna. Ang nasabing pagsasanay ay ginanap noong Agosto 8-12. Layon ng naturang pagsasanay na palakasin ang kaalaman ng bawat meyembro ng barangay sa pagsagip ng buhay ng mga biktima ng pagguho ng mga imprastraktura na dulot na mapaminsalang lindol at iba pang sakuna.
    Sa pakikipagtulungan ng Los Baῆos Municipal Disaster Risk Reduction Office sa pamumuno ni Mam Cynthia Quintans (LBMDRRMO Secretary) at sa gabay ni Ret. Col. Renato Samsom (LBMDRRMO Consultant), Buong pusong nagpaunlak ng tulong ang 564th Engineer Construction ng 51st Engineer Brigade sa pangunguna ni LTC Roel Donato Payabyab CE (GSC) sa pamamagitan ng pag papahiram ng kanilang makasaysayang lugar para pagdausan ng nasabing pagsasanay.
    Nagsilbing tagapagsanay ang 525th Engineer Combat battalion ng 51st Engineer Brigade sa pangunguna ni LTC Ulpiano T. Olarte CE (GSC). Sila ang grupo ng mga sundalo na patuloy pa ring nagsasanay at nakikipagtulungan sa ibang bansa upang lalong mapabuti ang kaalaman sa pagsagip ng buhay ng mga taong mabibiktima ng pagguho.
    Personal na pinasinayaan ni Dir. Vicente F. Tomazar, Regional Director ng Office of Civil Defense IV-A ang pagbubukas ng nasabibg pagsasanay. Nagbigay ang butihing director ng ilang mahahalagang mensahe para sa lahat at kabilang ditto ang katagang “Sariling kaligtasan paghandaan”.
    Naging bahagi rin ng pagbubukas ng programa ang mga opisyal ng ibang barangay, kasama na ang masipag na konsehal ng bayan na si Kon. Benedicto Alborida, Col. Payabyab, Col. Olarte, at Ret. Col. Samsom. Naging guro ng palatuntunan si Mam Cynthia Quintans katuwang si Major Elmar C. Dalope ng 564th Engineer Construction.
    Ang unang tatlong araw ay inilaan para sa mga lecture tungkol sa Lindol mga sanhi at bunga nito, ganon din ang Basic life support, First Aide, R.A. 10121 o “An Act Strengthening the Philippine Disaster Risk reduction and management System” paunang silip sa Incident Command system at Organizing and Starting a CSSR Operation.
    Sa ikatlong araw, pinag aralan ang mga kagamitan , kung paano ang tamang paggamit dito na kinakailangan ng lubos na pag iingat upang hindi ito makadagdag pa sa pinsala bagkus ay maging mahalagang instrumento upang makatulong sa mga biktima. At kasama na rin dito ang tamang pamamaraan kung papaano malaman ang kinalalagyan ng mga biktima sa ilalim ng guho.
    Ang ika apat na araw ay inilaan para sa pagbibigay ng tamang paunang lunas sa mga biktima, kasama na rito ang wastong pangangalaga sa mga nabalian at nasugatan, pagtatala ng mga datus at paglipat sa mga biktima sa ligtas na lugar at pagamutan. Sinimulan din sa hapon ang aktuwal na pag gamit ng mga sopistikadong kagamitan at tamang pangangalaga sa mga ito.
    Kinagabihan, isang munting buddle fight ang ginanap, Magkasamang pinag saluhan ng mga sundalo at mga kinatawan ng ibat ibang barangay ang nakahaing pagkain para sa lahat.
    Ang huling araw ang pinakahihintay ng lahat, dito naganap ang isang simulation ng aktruwal na pagliligtas sa mga biktima ng isang 7.2 magnitude na lindol. May mga gumanap bilang mga biktima na kinailangang iligtas mula sa mga gumuhong imprastraktura. Hinati sa ilang grupo ang mga kalahok na gumanap sa mahahalagang papel tulad ng Isolation team, Hailing team, Shoring team, Breaching & Breaking team, Extrication team at Medical team.
    Naging masaya ang pagsasanay ng mga kalahok. At hindi ito naubusan ng tawanan at kasiyahan.Sa kalagitnaan ng programa ay may mga konsehal ng mga barangay na pumapawi ng pagka antok sa pamamagitan ng paglalahad ng mga nakatatawang kwento, ganon din naman sa hany ng mga kasundaluhan na bigay na bigay din sap ag papasaya sa lahat.
    Hindi lamang mga kinatawan ng mga barangay ang dumalo, maging ang mga pribadong sektor at samahan ay dumating din. Higit na naging makulay ang programa sa pagdalo ng ating mga kapatid na nais magbagong buhay o mga drug surrenderee na nagbigay ng kakaibang kasiyahan para sa lahat. Mayroon ding delegasyon mula sa munisipyo ang dumalo.
    Masasabing naging matagumpay ang naganap na pagsasanay. Maraming natutunan ang mga kalahok. Ngunit ang nakalulungkot na parte ay ang bigong pag papadala ng ilang mga barangay ng kanilang mga kinatawan sa hindi pa malamang kadahilanan.
    Ang panghuling bahagi ay ang pagtatapos, dito inilahad ng mga piling kalahok ang kanilang mga natutunan ganon na rin ang kanilang mga pasasalamat sa mga bumubuo ng nasabing pagsasanay. Muling dumalo si Dir. Tomazar sa huling bahagi ng programa upang pormal na iabot ang mga sertipikong pagpapatunay ng kanilang pagkakompleto sa resikitos para sa CSSR. Katuwang pa rin ni Dir. Tomazar ang mga pinuno ng mga sundalo at maging ang ilang kapitan ng mga barangay. Kasama rin dito si FCI Annalee C Atienza. Si Atty. Ed Lopez bagong, talagang municipal Administrator ang nagbigay ng huling pananalita bilang representante nang butihing Mayor Caesar P. Perez.
    (mam sir kung kailangan po ninyo ng picture ay pakikuha na lang po sa lb group or sa aking FB account, salamat po)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *