Nakaranas ng mga aberya sa pagboto ang ilang mga barangay sa Laguna.
Sa Antonia Manuel Magcase Elementary School, sa Sta. Isabel, San Pablo City, nakaranas ng napakahabang pila ang mga botante dahil dalawang PCOS machine lamang ang gumagagana.
Sa Brgy. Del Remedio, San Pablo City ay may mga naiulat na kaguluhan dahil sa magkakaibang sistema sa pagpila at paghihintay para maka-boto.
Sa Siniloan ay nakakaranas naman ng problema ang ilang botante dahil sa wala daw ang kanilang pangalan sa listahan ng mga voting precincts. Sa parehong bayan ay merong halos 1,500 na pangalan ng botante ang tinanggal sa listahan habang may isa namang pitong taon nang patay ngunit nasa listahan pa rin ang pangalan.