Got a story?

Send us a tip. Share your experiences with the Los Baños community. Send short stories, poems, opinion articles, complaints, and the like. If it’s a story about Los Baños and other towns and cities in Laguna, we’ll gladly publish your story.

Email your article, photos, and/or videos to [email protected]

We’ll promptly send you an electronic mail to confirm that we have received your material. Kindly indicate your name and your barangay, agency/office, or school so we can properly give you credit.

Need help with your story? Let us help. We can work with you in developing your articles for you to earn your byline.

We’ll be waiting 😀

One thought on “Got a story?

  1. TATLONG KABATAAN NALIGAW SA BUNDOK MAKILING, NASAGIP!
    Alas-nuebe ng gabi nakatanggap ang Los Baños Municipal Action Center ng tawag mula s isang ginang na nagpakilalang si Herminia Olanday, balo, at naninirahan s Purok 7, Barangay Timugan, Los Baños, Laguna
    Sinabi nito na tumawag ang kanyang anak (William Olanday) at nahingi ng tulong, dahil sila diumano ay naligaw at hindi n alam ang daan pababa ng Bundok Makiling.
    Agad na nagbuo ng isang Search and Rescue Team ang municipio ng Los Baños sa pamumuno ni Mayor Caesar P. Perez, at pinatawag na ang pinagsanib na puwersa ng MDRRMO, KABALIKAT, Kapulisan at Barangay Timugan at kagyat na nagtulong tulong upang mapabilis ang paghahanap s mga biktima.
    Halos magdamag na sinuyod ng mga Rescuer ang mga posibleng puntahan ng mga biktima sa kabundukan ng Makiling ngunit bigo sila na matagpuan ito.
    Kinabukasan, alas-5 pa lang ng umaga ay pinagpatuloy na ang Search and Rescue Operation, ang ibang Rescuer ay tumungo s lugar n sadyang masukal na o hndi pinupuntahan ng mga Hikers, bandang alas-9 ng umaga habang ang mga Rescuer mula s Barangay Timugan, ay nagpapatrulya, sa pangunguna ng kanilang Kapitan Florencio Bautista natagpuan nila ang mga nawawalang kabataan na naglalakad na sa kalsada, makalampas ng Pook Ni Maria Makiling, kaagad nila itong isinakay sa sasakyan at dinala patungo s municipio.
    Ang mga naligaw n kabataan ay kinilalang sina William Olanday, 24 taong gulang, residente ng Barangay Timugan, Los Baños, Laguna, Jomar R. Castillo, 30 taong gulang, residente ng Barangay Pansol, Calamba City, Kristoffer B. Sabangan, 22 taong gulang, residente ng Villa De Calamba, Calamba City.
    Ayon kay G. William Olanday, sila ay umahon ng Bundok Makiling ganap n ika-3:46 ng hapon, araw ng Martes, Apbril 26, 2016 upang mamasyal at maligo sa isang bukal o talon n sinabi ng isa nilang kaibigan na nakarating na sa nasabing lugar, ito raw ay matatagpuan sa ibaba ng National Arts Center, makaraan ang isang oras ang nabanggit n talon ay natagpuan nila, duon ay naghanap sila ng makakain (Bayuko), isa itong uri ng snail.
    Dahil s paghahanap ng makakain, nawili sila at hndi napansin ang paglipas ng oras, alas sais na ng hapon ng maisipan n nilang umuwi, binagtas nila ang isang Trail o daan tao pauwi, dahil sa medyo may kadiliman na sa inakala nilang daan patungo sa kalsada ng kaitaasan ng bundok sila ay naligaw at napagawi pa sa mas madawag na lugar ng kabundukan.
    Alas-8:45 ng gabi, tinawagan n ni William ang kanyang ina, sinabi niya rito n sila ay naligaw at nangangailangan ng tulong, binanggit niya rin na sila ay nakasilong lamang s isang puno ng Balite at duon n magpapalipas ng gabi.
    Umaga na, nang muli silang maglakad pababa ng bundok Makiling habang binabaybay ang ilog.
    Hanggang sa matagpuan sila ng mga nagpapatrulyang taga Barangay Timugan.

    ATO P. CATIPON
    Nag-uulat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *