Ginanap ang paligsahan sa pagsulat ng tula at sa paggawa ng poster na may temang “Ang wika natin ay sandata laban sa kahirapan” noong ika-5 ng Agosto sa Kolehiyo ng Komunikasyong Pangkaunlaran. Kalahok ang mga estudyante ng mga hayskul sa CALABARZON, ito ay pinangunahan ng UP Alliance of Development Communication Students (UP ADS) kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Wika Natin Ang Daang Matuwid.”
Sa taong ito, 13 paaralan ang nakilahok sa paggawa ng poster. Ito ay ang mga sumusunod: Pagsanjan National High School (NHS); Los Banos National High School; Trace College; Southbay Montessori School; Colegio de San Juan de Letran-Calamba; St. Joseph School-San Pablo; Mater Dei Academy-Tagaytay; Alaminos National High School; Our Lady of Peace School-Rizal; University of Rizal System; Mater Ecclesia School-Laguna; Morning Star Montessori School Inc.; at Calamba Bayside National High School.
Si Erica S. Galan mula sa Pagsanjan National High School ang nakakuha ng unang gantimpala para sa paligsahang ito. Sinundan siya ni Yanicko Sydbourne E. Covar ng Southbay Montessori para sa ikalawang gantimpala at ni Kathleen Nicole O. Buyco ng Our Lady of Peace School-Antipolo para sa ikatlong gantimpala. Sina Bb. Megan Torres, Gng. Lily Tallafer, at Bb. Ricarda Villar ang mga naging hurado para sa paligsahang ito.
Para naman sa paligsahan ng pagsulat ng tula, ang 11 paaralang sumali ay ang: Pagsanjan NHS; Los Banos NHS; Soutbay Montessori School; Colegio de San Juan de Letran-Calamba; St. Joseph Academy-San Pablo; Mater Dei Academy-Tagaytay; Alaminos NHS; Our Lady of Peace School-Rizal; University of Rizal Systems; Mater Ecclesia School-Laguna; at Calamba Bayside NHS.
Nakamit ni Rexanne Monique C. Cosico ng Mater Ecclesiae ang unang gantimpala. Si Angelica E. Padilla naman ng Alaminos National high School ang nakakuha ng ikalawang gantimpala habang si Franz Edward D. Oliva ng Los Banos National High School ang nakakuha sa ikatlong gantimpala. Nagsilbing hurado sina G. Emmanuel Dumlao, G. Dennis Aguinaldo, at Bb. Angelina Bisquera para sa paligsahang ito.
Ang dalawang paligsahang ito ay unang parte lamang ng “Pintig ng Lahi,” isang taunang paligsahan na naglalayong ipagdiwang at pagyamanin ang kultura at wikang Filipino. Gamit ang wikang Filipino, layunin nitong masukat ang kasanayan at kakayahan sa komunikasyon ng mga kalahok at upang maipakita ang pagpapahalaga sa nasyonalismo, sariling wika at kultura.
Ang pangalawang parte ng Pintig ng Lahi na sabayang pagbigkas at tradisyunal na sayawang Pilipino ay gaganapin sa ika-24 ng Agosto sa DL Umali Auditorium, UPLB. (Christian Rieza)
(Photos by Aivee Tesorero)