Ni Kon. Dory Lagman
Inilunsad ng Brgy. Tuntungin-Putho ang isang linggong pagdiriwang ng Youth Week mula Oktubre 26-31, 2014 sa pangunguna ng Sangguniang barangay at ng Taskforce for Youth. Nagkaroon ng iba’t-ibang gawain ang barangay sa loob ng isang linggo kung saan nakilahok din ang mga mag-aaral ng Tuntungin-Putho National High School.
Ang nasabing selebrasyon na may temang “Laban Kabataan; Droga ay Iwasan” ay pinasimulan ng isang parada na nangampanya laban sa droga. Sinundan ito ng slogan and poster making contest noong Oktubre 27. Ginanap naman noong Oktubre 28-29 ang livelihood program para sa mga kabataan partikular sa mga out of school youth. Oktubre 30 naman ginanap ang Amazing Race habang ang trick or treat at Halloween Party ay isinagawa noong Oktubre 31.