ni Jeanette I. Talag, presidente ng LBFPWD
Dumalo ang 10 miyembro ng Los Baños Federation of Persons with Disabilities, Inc. (LBFPWD) sa Kakayahan 2014: Regional Abilympics na may temang “Talino at Paninindigan ng Taong may Kapansanan, Pasaporte sa Kaunlaran” noong Oktubre 17, 2014 sa Jacobo Gonzales Memorial School of Arts and Trade ng Biñan Laguna.
Idinaos ang Regional Abilympics upang maitanghal ang iba’t-ibang angking talento at kakayahan ng mga may kapansanan. Ang ilan sa mga itinampok na gawain ay ang pagpapakita ng gilas sa paggawa ng magandang flower arrangements, paggawa ng sapatos, pagpipinta, pagluluto at paglikha ng mga maikling kwento.
Dinaluhan ito ng mahigit sa 150 na mga miyembro ng iba’t-bang samahan ng mga may kapansanan mula sa ibat’-ibang bayan na kabilang sa Region IV-A.
Naisagawa ang Abilympics sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development at ng National Council on Disability Affairs Office.