LB FARMC, nagsanay sa pagproseso ng isda

ni Francisco B. Carandang, pangulo ng Los Baños Fisheries and Aquatic Resources Management Council

Nagsagawa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Hands on Training on Bighead Carp Processing noong Oktubre 17 sa BFAR IV-A Regional Office sa Brgy. Bambang sa Los Baños, Laguna.

Nagsanay ang 50 miyembro ng Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) sa paggawa ng fish ball, kikiam, fish nuggets, embutido, fish siomai, at burger patty.

Ang pagsasanay ay nagbunga mula sa pulong ng pangulo ng limang pangulo ng FARMC mula sa mga barangay ng Tadlac, Bambang, Malinta, Mayondon, at Bayog. Layon ng pulong na matulungan ang mga miyembro ng FARMC sa paghahanap ng karagdagang pagkakakitaan upang makatulong na maibsan ang kahirapan at pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Humingi ng tulong ang FARMC sa BFAR IV-A sa pagsasagawa ng pagsasanay sa pagpoproseso ng isda noong Setyembre 26. Ito ay agad natugunan at ang pagsasanay ay naidaos noong Oktubre 17.

Ang pagsasanay ay naisagawa sa pagtutulungan nina Marilou Mosqueda, ang officer-in-charge ng Postharvest Section ng BFAR IV-A; Fe Banasihan, ang municipal agriculture officer ng Los Baños; at ng mga opisyal ng FARMC ng Los Baños.

Ang mga produkto ng mga nagsanay ay naging bahagi ng 1st Organic Congress na ginanap sa Sta. Cruz nong Oktubre 28-30. Muling nagbigay ng free taste at nagbenta ng fish products ang FARMC noong Nobyembre 28 sa SM Calamba sa lungsod ng Calamba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.