nina Jyn Ignacio at Jimilyn Gerobin
Patuloy na nagkakaloob ng libreng newborn screeningang Los Baños Municipal Health Office (LBMHO) para sa mga bagong silang na sanggol. Ito ay ginaganap tuwing Lunes hanggang Huwebes, mula ikawalo ng umaga hanggang ikalima ng hapon sa Newborn Screening Roomng nasabing tanggapan.
Ayon sa datos mula sa LBMHO, dumarami ang bilang ng mga tumatanggap ng libreng newborn screening ngayong taon, mula sa 20 simula noong Pebrero, 25 noong Marso, hanggang sa 28 noong Abril.
Base sa resulta ng newborn screening,ang Glucose-6-phosphate dehydrogenase deficiency (G6PD) ang pinakamadalas na medikal na kundisyon o disorderna natatamo ng mga bagong panganak sa Los Baños ngayong 2015.
Ito ay isa lamang sa mga karaniwang medikal na kundisyon na maaaring matuklasan kapag dumaan sa newborn screening ang mga bagong panganak na bata.
Maraming karamdaman ang maaaring matuklasan sa isang bata kapag dumaan sa newborn screening. Isinasaad sa Reproductive Health Lawo Republic Act 10354 (The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012) na ang mga buntis ay dapat regular na kumonsulta sa duktor at ang mga bagong panganak ay dapat dumaan sa newborn screening.
Ayon kay Racquel Sumiran, isang midwifemula sa LBMHO, lumaki ang bilang ng mga dumadaan sa newborn screening dahil natutuklasan na ng mga magulang ang kahalagahan nito para sa kanilang sanggol.
Dagdag pa niya, ang mga buntis ay dapat nagpatingin ng tig-iisang beses sa una at pangalawang trimesterat dalawang beses sa huling trimesterng kanilang pagbubuntis. Dagdag pa niya na kailangang dumaan sa newborn screeningmula sa una hanggang ikasampung araw matapos maipanganak ang bata.
Ang panahon na ito ay tinatawag na “golden period”. Kinikilala ng Reproductive Health Lawang kakayahan ng newborn screeningna alamin ang mga karamdaman na nakukuha ng mga bagong silang na sanggol. Alinsunod sa batas na ito, ang mga buntis ay hinihikayat na dumaan sa newborn screening.