Mahigit 400 residente ang natulungan sa Isinagawang Dental at Optical Mission 2018 sa Covered Court ng Brgy. Mayondon noong ika-17 ng Pebrero, alas-nuebe ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.
Ang programang ito ay naisagawa sa pangunguna ng Alpha Phi Omega Eta Theta, Apo Mama Chapter, at Team Yoya sa pakikipagtulungan ng Municipal Government of Los Baños at Sangguniang Barangay ng Mayondon.
Ayon kay Marlo Alipon, Alpha Phi Omega project coordinator, ang medical at dental mission ay isinagawa dahil isa sa mga adbokasiya ng kanilang grupo ay makapagbigay ng serbisyo sa mga mas nangangailangan, at isa sa napili nila ay ang Brgy. Mayondon.
Isa sa serbisyong binigay ng programa ay ang libreng bunot ng ngipin, at kasama na dito ang pamimigay ng libreng gamot para sa mga nabunutan na mga residente. Isa pa ang pamimigay ng mga optical reading glasses na akma ang grado sa mga mata para mga residente.
Libreng bunot para sa 200 na residente ng Brgy. Mayondon noong ika-17 ng Pebrero 2018 sa Complex, Mayondon, Los Baños, Laguna ang inihandog ng Alpha Phi Omega.Ayon kay Noni Luntayan, residente ng Punong Bundok, Mayondon, nalaman niya ang libreng pabunot ng ngipin nang mag-ikot ikot ang Kapitang ng Barangay Mayondon.
Ayon naman kay Armando Escobin, 59 taong gulang at residente ng Purok Kanan Taas, Mayondon, nagkaproblema siya sa pagkuha ng lisensya para sa kaniyang pamamasada dahil sa malabo niyang paningin. “Ako ay nagpapasalamat dahil ako ay nagkasalamin. Pagkatapos kumuha ng salamin, pwede pang magpabunot ng ngipin. Kaya papabunot naman ako ng ngipin,” ani ni Escobin.
Mayroong 200 na residente na nakapagpabunot ng ngipin at 200 pang residente na nakatanggap ng libreng optical reading glasses.