Dogs and Cats Show, idinaos ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor

ni Albert John Enrico A. Dominguez

Mahigit labindalawang aso at pusa ang rumampa at nagpakitang-gilas sa isang Dogs and Cats Show na ginanap noong ika-23 ng Marso. Ang nasabing programa ay idinaos sa Activity Hall ng Bagong Munisipyo ng Los Baños.

Iba’t ibang aso at pusa ang nakilahok sa Dogs and Cats show na pinangunahan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor. Kuha ni AJEDominguez.

Sa pangunguna ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, ang Dogs and Cats Show ay parte ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month na may temang “Barangay Kaagapay, Alis Rabis Tagumpay”. Isa rin itong paraan upang mapakati ng mga pet owners and kanilang pagmamahal at malasakit sa kanilang mga alagang hayop.

Iba’t ibang talento ang pinakita ng mga aso at pusa sa Dogs and Cats show. Kuha ni AJEDominguez.

Iba’t ibang parangal ang ibinigay sa mga aso at pusa sa pagtatanghal. Ilan sa mga ito ay ang Best Dressed Canine, Best Dressed Feline, Well-Groomed Canine, at Well-Groomed Feline. Samantala, ilang aso at pusa naman ang nagpakita ng kanilang angking talento.

Isa sa mga pinangaralan na aso sa nakaraang Dogs and Cats Show ay si Kali. Siya ay pinangalanan bilang Well-Groomed Canine. Kuha ni AJEDominguez.

Pagkatapos ng programa ay pinangaralan rin ang mga estudyanteng nanalo sa poster-making contest para sa Rabies Awareness Month. Ang nag-uwi ng pinakamataas na parangal ay si Yves Gundaya ng Tuntungin-Putho Integrated National High School. Ang iba pang pinangaralan ay sina Robert Barinaga ng Colegio De Los Baños at Eloisa Mae Banasihan ng Tuntungin-Putho Integrated National High School.

Pinaalala naman nina Mayor Caesar P. Perez at Cris Dayril B. Bagnes, Sangguniang Bayan Commission Chairman on Agriculture, ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa. Ilan sa mga uri ng bakuna na nabanggit ay anti-rabies at deworming.

Hinihimok rin ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ang mga mamayan ng Los Baños na mag-ampon ng mga aso kaysa bumili. Bilang parte ng Municipal Ordinance 2015-1455, lahat ng mga asong nakikitang alpas o pagala-gala na hindi pa nakukuha sa loob ng apat na araw ay magiging pagmamay-ari na ng pamahalaan bayan. Ito ay isang paraan ng munisipyo upang itaguyod ang responsableng pag-aalaga ng hayop.

Para sa iba pang impormasyon sa pag-aampon ng hayop o pagbabakuna sa alagang aso o pusa, maari na lamang kontakin ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa 531-7849.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.