Paghahanda sa 2018 Barangay and SK Elections: Munisipyo ng Los Baños, nagsagawa ng election board briefing

Ulat ni Franco maniago

Mula ika-4 hangang ika-9 ng Mayo, nagtipon-tipon sa Munisipyo ng Los Baños ang mga guro, chairpersons, portieres, at third party members mula sa labing-apat na barangay ng Los Banos para sa isang election board briefing.

Ang naturang briefing, na pinamahalaan ni Los Baños Election Officer Randy Banzuela, ay naglayong turuan ang mga nabanggit na opisyal na magabayan ang publiko sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Briefing tunkol sa mga tamang proseso ng eleksyon.

“Ginagawa namig ito para masanay sila sa mga iba’t-ibang sitwasyon sa eleksyon.  Kasi kung walang knowledge  ang isang opisyal, papaano niya magagampanan ng tama ang kanyang tungkulin?” sagot ni Banzuela.

Sa bawat araw ng naturang seminar,  iba’t-ibang barangay ang nakatakdang dumalo.

Ang huling araw ng seminar ay dinaluhan ng mga opisyal mula sa Barangay Mayondon. Tumagal nang hanggang apat na oras ang briefing bawat araw, na nagsimula nang ala-una ng hapon at nagtapos ng alas-singko.

Ilan sa mga itinuro sa mga opisyal ay ang paggabay sa publiko na sundin ang tamang paraan ng pag-boto at mga tamang gawain para siguruhing maayos ang takbo ng eleksyon.  Naglayon rin ang seminar na ipaalam sa mga opisyal kung paano panatilihin ang kaayusan ng lahat oras na dumating man ang isang pangyayaring hindi inaasahan.

Pinag-usapan rin kung paano magiging null o void ang isang boto, ang pagsunod nila sa intent of voter o ang diwa ng boto ng isang botante, at iba pang mga patakaran upang maiwasan ang kaguluhan sa eleskyon.

Matapos ang seminar, kinailangang kumuha ng mga dumalong opisyal ng isang pagsusulit na magpapasya kung siya ba ay handang magserbisyo sa nalalapit na eleksyon o hindi.

Ang kailangang kuning pagususlit tungkol sa seminar.

“Sa siyam na taon ko pong nagse-serbisyo dito (eleksyon), lagi naman pong smooth sailing bawat session,” ani Ms. Loveleyn Endoso, isang guro sa Mayondon Elementary School at siyam na taon nang nagseserbisyo sa mga gawain pang-elesyon. Dagdag niya, kapag mayroong mga di inaasahang pangyayari ay may mga protocols sila na alam sundin.

Ang Barangay at SK Elections ay gaganapin sa darating na Mayo 14.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.