Pagiging responsableng pet owner, isinusulong sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month

ni Kurt James B. Bernal

“Makiisa sa baranggayan kontra rabies, maging responsableng pet ownerI” Ito ang tema ng gaganaping dog and cat show sa ika-20 ng Marso, alas-8 ng umaga hangang alas-12 ng tanghali sa activity area ng Los Baños New Municipal Hall bilang bahagi ng pagdiriwang sa Rabies Awareness Month.

Ang programang ito, sa pangunguna ng pamahalaang pamnayan ng Los Baños at ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor, ay naglalayong isulong ang pagbibigay ng tamang kaalaman at kamalayan ukol sa responsableng pag-aalaga ng mga hayop, partikular ang mga aso at pusa.

Ito ay bukas para sa mga taga-Los Baños at iba pang mga mamamayang nais makilahok, manuod, at makiisa sa pagdiriwang.

Kasama sa lumahok sa motorcade noong ika-1 ng Marso bilang simula ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ay ang isang mascot ng aso. Litrato mula sa Facebook page ng Muncipal Government of Los Baños

Nauna nang ginanap ang isang motorcade noong ika-1 ng Marso bilang pagsisimula ng Rabies Awareness Month. Ito ay sa pangunguna ni Mayor Caesar Perez at iba’t ibang paaralan sa Los Baños. Noon namang ika-5 ng Marso ay nagdaos ng isang poster-making contest para sa mga estudyanteng nasa junior at high school na may temang “Rabies-free Los Baños 2020.”

Kung sino man ang gustong lumahok at makiisa sa nasabing patimpalak ay mangyari lamang na tumawag sa Tanggapan ng Pampublikong Agrikultor sa numerong (049) 531-7849.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.