Malawakang survey tungkol sa epekto ng COVID-19 sa ekonomiya, isinasagawa

Isang Consumer and Business Survey ang isinasagawa ngayon ng National Economic and Development Authority (NEDA) upang makakalap ng impormasyon tungkol sa epekto ng COVID-19 at Enhanced Community Quarantine sa mga consumer, mga negosyo, at mga magsasaka at mangingisda.

Gumagamit ng thermal scanner ang security guard ng isang supermarket sa Los Baños upang malaman ang temperatura ng mga mamimili bago sila payagang makapasok sa pamilihan. Larawang kuha ni Jyas Bautista

Gumagamit ng thermal scanner ang security guard ng isang supermarket sa Los Baños upang malaman ang temperatura ng mga mamimili bago sila payagang makapasok sa pamilihan. Larawang kuha ni Jyas Bautista

Ayon sa online documents na in-upload ng NEDA, ang resulta ng survey ay gagamiting basehan ng Inter-Agency Task Force (IATF) – Technical Working Group on Anticipatory and Forward Planning upang makapaghanda ng mga polisiya at programa upang pasiglahin ang ekonomiya at tulungan ang lipunan na makasabay sa panibagong sitwasyon na dala ng social distancing at iba pang hakbang na ipinatupad upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.

Hinihikayat ng NEDA ang lahat ng mga Pilipino na sumagot sa survey upang masuri kung paano makakabangon ang ekonomiya kapag natapos ng pandemya. Nilalayon ng ahensya na masagutan ang survey bago mag-tanghali ng Abril 7, 2020, upang maumpisahan agad nito ang pagsusuri ng datos at paghahanda ng ulat na isusumite sa IATF.

Ang mga survey ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng mga sumusunod na link:

  1. Consumer Rapid Assessment

English – https://bit.ly/39KT2H5

Filipino – https://bit.ly/2Rexah0

  1. Business Rapid Assessment Industry and Services:

English – https://bit.ly/2ULHIGm

  1. Agriculture and Fisheries: Business Rapid Assessment

English – https://bit.ly/3bUFlGU

Filipino – https://bit.ly/3bZZfAB

  1. Defining and Preparing for the “New Normal”:

English: http://tiny.cc/2xugmz

Filipino: http://tiny.cc/qzugmz

Batay sa post ng NEDA, susundin ng ahensya ang Data Privacy Act of 2012 upang maprotektahan ang pagkakakilanlan ng mga lalahok sa survey. Upang matiyak ang seguridad ng mga sumagot, pagsasama-samahin daw o ia-aggregate ng NEDA ang mga resulta ng survey, bago ito isailalim sa mas masinsinang  pagsusuri ng NEDA at IATF-AFP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.