Kabilang si Dr. Hannah M. Salvaña sa mga medical frontliners na nakakuha ng bakuna sa unang araw ng COVID-19 vaccination sa Los Baños noong Marso 19, 2021.
Ulat ni Maria Sofia Dela Cruz
Si Dr. Salvaña ay isang pediatrician sa Global Care Medical Center of Bay, St. Jude Family Hospital, Los Baños Doctors Hospital and Medical Center, at HealthServ Los Baños Medical Center.
Natanggap niya ang unang dosis ng AstraZeneca COVID-19 vaccine noong Marso 19, 2021. Paliwanag di Doc hannah, ang bakuna laban sa COVID-19 ay libreng ibinibigay ng Department of Health (DOH) sa mga healthcare workers sa bansa. Kanila namang matatanggap ang ikalawang dosis ng bakuna makalipas ang 8-12 na linggo mula nang matanggap ang unang dosis ng bakuna. Ani Doc Hannah, ang DOH ang magbibigay ng schedule para sa pangalawang dosis ng bakuna.
Bilang health worker, ipinaliwanag ni Dr. Salvaña na kahit hindi 100% yung proteksyon na nakukuha sa bakuna, mas maigi pa rin na mayroon silang proteksyon laban sa COVID-19. “For me, better na may some protection than none at all,” aniya.
“Side effects are real, yes, pero temporary lang siya compared to the protection na it may give us.”
Fever, chills, body aches/pain, at headache – ito ang ilan sa mga side effects na naramdaman ni Doc Hannah matapos ang pagpabakuna. “… after naman, mga more than 24 hours, after taking meds tapos nag rest lang din po ako. Now, I am fully recovered from the side effects,” ani Dr. Salvaña.
Hinihikayat ni Dr. Salvaña ang lahat na magpabakuna para sa karagdagang proteksyon laban sa COVID-19 hindi lamang para sa sarili kundi maging sa mga taong nakapaligid sa atin na hindi pa pwedeng mabigyan ng bakuna. Sa ngayon, ang mga batang may edad 17 pababa ay kabilang sa mga grupong hindi pa maaaring mabigyan ng bakuna.
Para naman sa mga karagdagang impormasyon sa mga nais magpakonsulta kay Dr. Salvaña:
Dr. Hannah Salvaña
Pediatrician
Global Care Medical Center of Bay
Healthserv Los Baños Medical Center
Los Baños Doctors Hospital and Medical Center, Incorporated
St. Jude Family Hospital
Clinic Hours:
Global Care Medical Center of Bay (GCMCB)
https://www.globalbay.care/
Mon/Fri 3-5pm Rm 513
(by Appointment via GCMCB info)
Los Baños Doctors Hospital and Medical Center, Inc
Thu 2-5pm Rm 4002 (by appointment via LBDH info)
St. Jude Family Hospital
Tue/Fri 10-12NN RmC6 (for walk-in patients)